THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Followers

Thursday, February 17, 2011

buhay commuter



sumakay na si John s adyip na pinara nya. papuntang divisoria eto. nagbayad sya ng pamasahe.

"ma, bayad po,recto lang,estudyante" sabay bigay sa drayber ng 7 piso.

kasabay nang pagbayad nya ay ang pag-abot ng mga ibang pasahero ng bayad nila. naging mabilis ang byahe ni John. nasa recto na agad sya. singbilis ng kidlat ang sinakyan nyang dyip. nakikipag gitgitan ito sa mga kapwa hari ng daan.

"hmmm..bakit kaya sila ganito?wala namang trophy pag naunahan mo ang kapwa mo drayber..tsk3..." saad nya sa sarili

"ma..para po" sabay baba ng dyip. sumunod na tinahak ni John ang daan patungo sa lrt station. nakasabayan nya ang mga nagmamadaling pasahero.


"hay..ang bilis ng buhay dito sa maynila"

matapos ma inspect ng gwardya ang bag nya ay pumasok na sya sa loob ng station.

"ANG TREN PO NGAYON AY HANGGANG MONUMENTO STATION LANG, MAY SIRA PO TAYO SA BALINTAWAK STATION. INUULIT KO PO NG TREN PO NGAYON AY HANGGANG MONUMENTO STATION LANG, MAY SIRA PO TAYO SA BALINTAWAK STATION"

pambungad ng management sa mga pasaherong pasakay. tinignan ni John ang mga muka ng pasahero, nakasimangot ang mga ito. pero wala na rin silang magagawa. napag-isip nya, "bakit kasi ayaw nilang pumayag na magtaas to ng pamasahe eh, hirap na hirap na nga ang gobyerno na e.maintain to..tsk3"

habang nasa loob ng LRT ay ginunita nya ang nakaraan. ang dating Juan ay John na ngayon. nagpalit sya ng pangalan para class. new Millennium na kasi. kaya dapat "in" sya sa pormahan. kasabay ng pagpapalit ng pangalan ay ang pagpalit din ng dating Juan ng ugali at paniniwala. premarital sex? bawal yun dati kay Juan, ngayon okay lang sabi ni John.

natigil ang pag-iisip nya ng mapansin ang isang aleng nakatayo lang. tinignan nya ang mga nakaupo sa lrt. lahat ay lalaki, pero tila walang nakikita ang mga ito. nakaramdam sya ng awa sa babae. pero hindi nya rin maaring husgahan ang mga lalaking tila ay walang nakikitang babaeng nasa harap nilang nakatayo. pagpapawisan kasi sila pag tumayo sila. masisira ang pormahan nila. kahit si Mang Pedring na nagpapalit na rin ng pangalan sa Peter ay todo porma rin. kaya hindi pwede tumayo si peter. meron namang ilang pagod mula sa trabaho.

hindi rin nakaligtas sa pansin ni John ang hawakan na may nakadikit na bubble gum. napangiti sya. yan ang usong trip ngayon ng mga kabataan ng new millennium.

"kawawa ang makakahawak nito"sabi na lamang nya...


dumating na din sa wakas sa monumento station ang LRT. kahit pahinto-hinto ay nakarating din ito sa wakas.

naabutan nyang inaayos pa ng management ang ticket machine. nag cause ng traffic ang pag-aayos na iyon.

"hay...bakit kaya kanina ng wala pa ang tren ay hindi na nila to inayos..kunsabagay.., bakit mo aayusin kung hindi mo pa gagamitin.."sabi nya sa isip.

naglakad si John hanggang sa sakayan ng dyip. napansin nya ang isang traafic enforce..yan ang pinakamarangal na trabaho ngayon sa new millenium. sinenyasan nito ang paparating na dyip. hindi maitindihan ni John ang senyas na iyon pero nakita nyang lumapit na rin ang dyip sa sakayan. sumakay na sya dyip, katabi ang drayber, lumapit si enforcer at inabutan ni mamang drayber ng 10 piso. instant may pera na si enforcer.

"hmm..ayus sa business si enforcer, pag nag-aral akong mabuti ay magiging ganito din ako..yes!" sabi nya sa sarili nya.

nag-umpisa ng umandar ang dyip at sa kabilang dulo ay natanaw na naman nila ang kaibigan ni enforcer. sumenyas din ito at gaya ng nauna, ganun din ang nangyari..

napailing na lamang si John...

0 comments: